Ang hirap ng paasahin ka sa wala.. Iyon bang sigurado ka nang tutuparin niya yung mga binitiwan niyang salita pero sa huli, binigo ka niya.. Ang masakit pa nun, mahalaga siya sa buhay mo.. Siya ang isa sa mga taong nagbigay ng kulay sa malungkot mong buhay, siya yung laging nakasuporta sa iyo tuwing may sama ka ng loob, siya yung laging nakikinig sa lahat ng tantrums mo, for short, SIYA ANG LAHAT MO..
Ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan? Iyon ba ay yung lagi mong kasama sa mga gimik at lakad? yung nakakaimpluwensiya sa iyo? o yung suportado ka sa lahat ng iyong ginagawa at hindi plastik? Akala ko lagi silang andyan.Akala ko nasa likod ko lang sila, laging nakasuporta.. Nawala bigla ang tiwala ko dahil lang sa isang pangyayari.. Hindi pala pangmatagalan ang samahan namin. Hindi natupad ang mga pangarap ko na kasama sila.. Gumuho ito lahat bigla...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento